Wednesday, February 9, 2011

Cell Site na sinlaki ng pitaka?

Ipinagmamalaki ng tambalang Alcatel-Lucent ang kanilang naimbento na ang mga "cell site" o cell towers ng mga telecom operator ay magiging sinlaki na lamang ng wallte na maaaring dalhin kahit saan.



Kung matutuloy nga ito, ito ay isang napakahalagang tuklas sa larangan ng teknolohiya kung saan ang mga malalayong lugar na di-abot ngayon ng signal ng mga cell tower ay makikinabang ng lubusan.  

Monday, February 7, 2011

Google Music malapit ng ilunsad

May nalaman tayo na malapit ng ilabas ng Google ang panlaban nila sa Zune ng Microsoft at iTune ng Apple, ang Google Music.


Babalitaan ko agad kayo kapag nalaman na natin kung kailan ang opisyal na petsa ng paglalabas nito sa publiko.

Friday, February 4, 2011

Microsoft at Nokia magsasanib puwersa?

May leaked news tayong nalaman na maaaring magsanib puwersa ang Microsof at Nokia upang malabanan ang mga ka-kompitensiya nila sa industriya. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na kahit anong gawin ngayon ng Microsoft lalo na sa larangan ng smartphone hindi nito kinaya ang Apple.

Noon kasing inilabas ng Apple ang smartphone na iPhone [at kung ilang upgrade na ang nailabas] walang ginawang panlaban dito ang Microsoft at noong inilabas naman ng Apple ang iPad at saka pa lamang inilabas ng Microsoft ang Windows Phone nito. Ginagawa na di-umano ng Apple ang iPad 2 ngayon pero wala pa ring tablet PC ang Microsoft.



Ganun din sa kaso ng Nokia. Hindi nila inasikaso ang bagay na ito at naging kampante dahil Symbian pa rin ang nangunguna pagdating sa mobile OS. Pero tingnan nyo ngayon. Naungusan na ng Samsung ang Nokia at mukhang mahihirapan na talagang makahabol ang Nokia sa larangan ng smartphone. Wala pa tayong nauulinigan na maglalabas ng tablet ang Nokia.

Pero dahil sa balitang magsasanib na di-umano ang Microsoft at Nokia baka saka pa lamang gagalaw ang dalawang ito na kilalang higante, ang Microsoft sa computer at Nokia sa cellular phone.

Thursday, February 3, 2011

Honeycomb opisyal ng inilabas

Inilabas kamakailan ng Google ang pinakabagong operating system nito, ang Android 3.0 (Honeycomb), na ginawa ayon sa kanila tangi lamang para sa mga Tablet at unang inilagay sa Motorola Xoom tablet ng Motorola Mobility.



Inaabangan ito ng marami lalo na't hindi ganun kasigla ang pagtanggap sa Android 2.2 (Froyo) na inilagay naman sa Samsung Galaxy Tab.



Lalo pa daw itong pinaganda ng Google at ito daw ang "tunay" na pambato nila sa iOS ng Apple na gamit nito sa iPad.