May leaked news tayong nalaman na maaaring magsanib puwersa ang Microsof at Nokia upang malabanan ang mga ka-kompitensiya nila sa industriya. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na kahit anong gawin ngayon ng Microsoft lalo na sa larangan ng smartphone hindi nito kinaya ang Apple.
Noon kasing inilabas ng Apple ang smartphone na iPhone [at kung ilang upgrade na ang nailabas] walang ginawang panlaban dito ang Microsoft at noong inilabas naman ng Apple ang iPad at saka pa lamang inilabas ng Microsoft ang Windows Phone nito. Ginagawa na di-umano ng Apple ang iPad 2 ngayon pero wala pa ring tablet PC ang Microsoft.
Ganun din sa kaso ng Nokia. Hindi nila inasikaso ang bagay na ito at naging kampante dahil Symbian pa rin ang nangunguna pagdating sa mobile OS. Pero tingnan nyo ngayon. Naungusan na ng Samsung ang Nokia at mukhang mahihirapan na talagang makahabol ang Nokia sa larangan ng smartphone. Wala pa tayong nauulinigan na maglalabas ng tablet ang Nokia.
Pero dahil sa balitang magsasanib na di-umano ang Microsoft at Nokia baka saka pa lamang gagalaw ang dalawang ito na kilalang higante, ang Microsoft sa computer at Nokia sa cellular phone.