Alam ba ninyo na ayon sa kamakailang mapagkakatiwalaang report hindi pala ang Apple (may gawa ng iPad, iPod at iPhone) ang Number 1 sa mga may naibentang telepono kundi ang Nokia? Ngunit nanganganib ang Nokia dahil sa umaangat naman ang Samsung na dati ay kilala lamang sa paggawa ng TV sets.
Lumalabas na umangat ang Samsung dahil sa paggamit nito ng Android, ang operating system na gawa ng Google kung kaya't naungusan na ng Android ang Symbian na operating system naman ng Nokia.
Kung magpapatuloy ang trend na ito hindi maikakaila na bubulusok pataas ang Android lalo pa't hindi lamang ang Samsung ang gumagamit ng libreng OS na ito kundi pati na rin ang LG, Motorola Mobility at napakarami pang malalaki at maliliit at kasama na rin ang halos hindi pa gaanong kilala na mga gumagawa hindi lamang ng smart phone kundi pati mga tablet.
Kaya aasahan natin sa di-kalaunan na mukhang "kakain" ng alikabok ang Nokia mula sa Samsung et al.