Nalaman natin kamakailan na malamang ilalabas na ni Rupert Murdoch sa unang linggo ng Pebrero ang kaniyang matagal ng pinapangarap na The Daily. Ito ang sagot ni Murdoch sa pababa ng pababa na bilang ng mambabasa ng kaniyang newspaper empire.
Hindi lingid sa marami na bumaba ang mambabasa ng mga diyaryo sa buong mundo kasabay ng pagbaba na rin ng advertisement kung kaya't napipilitan kahit na ang malalaking mga publisher na isara na lamang ang operasyon ng pahayagan. Malaki ang epekto nito kay Murdoch na itinuturing na pinuno ng pinakamalaking imperyo ng pahayagan sa buong mundo.
Ang The Daily ay isang application sa Apple iPad sa pangunguna naman ni Steve Jobs. Nangangailangan ito ng internet connection alinman sa pamamagitan ng wi-fi or 3G connection. Inaasahan na makakabawi si Murdoch sa [malaking] nawala na advertising share ng kaniyang newspaper business sa iba't-ibang bahagi ng mundo na "inagaw" ng internet [advertising] bilang makabagong medium ng advertising.