Wednesday, February 9, 2011

Cell Site na sinlaki ng pitaka?

Ipinagmamalaki ng tambalang Alcatel-Lucent ang kanilang naimbento na ang mga "cell site" o cell towers ng mga telecom operator ay magiging sinlaki na lamang ng wallte na maaaring dalhin kahit saan.



Kung matutuloy nga ito, ito ay isang napakahalagang tuklas sa larangan ng teknolohiya kung saan ang mga malalayong lugar na di-abot ngayon ng signal ng mga cell tower ay makikinabang ng lubusan.  

Monday, February 7, 2011

Google Music malapit ng ilunsad

May nalaman tayo na malapit ng ilabas ng Google ang panlaban nila sa Zune ng Microsoft at iTune ng Apple, ang Google Music.


Babalitaan ko agad kayo kapag nalaman na natin kung kailan ang opisyal na petsa ng paglalabas nito sa publiko.

Friday, February 4, 2011

Microsoft at Nokia magsasanib puwersa?

May leaked news tayong nalaman na maaaring magsanib puwersa ang Microsof at Nokia upang malabanan ang mga ka-kompitensiya nila sa industriya. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na kahit anong gawin ngayon ng Microsoft lalo na sa larangan ng smartphone hindi nito kinaya ang Apple.

Noon kasing inilabas ng Apple ang smartphone na iPhone [at kung ilang upgrade na ang nailabas] walang ginawang panlaban dito ang Microsoft at noong inilabas naman ng Apple ang iPad at saka pa lamang inilabas ng Microsoft ang Windows Phone nito. Ginagawa na di-umano ng Apple ang iPad 2 ngayon pero wala pa ring tablet PC ang Microsoft.



Ganun din sa kaso ng Nokia. Hindi nila inasikaso ang bagay na ito at naging kampante dahil Symbian pa rin ang nangunguna pagdating sa mobile OS. Pero tingnan nyo ngayon. Naungusan na ng Samsung ang Nokia at mukhang mahihirapan na talagang makahabol ang Nokia sa larangan ng smartphone. Wala pa tayong nauulinigan na maglalabas ng tablet ang Nokia.

Pero dahil sa balitang magsasanib na di-umano ang Microsoft at Nokia baka saka pa lamang gagalaw ang dalawang ito na kilalang higante, ang Microsoft sa computer at Nokia sa cellular phone.

Thursday, February 3, 2011

Honeycomb opisyal ng inilabas

Inilabas kamakailan ng Google ang pinakabagong operating system nito, ang Android 3.0 (Honeycomb), na ginawa ayon sa kanila tangi lamang para sa mga Tablet at unang inilagay sa Motorola Xoom tablet ng Motorola Mobility.



Inaabangan ito ng marami lalo na't hindi ganun kasigla ang pagtanggap sa Android 2.2 (Froyo) na inilagay naman sa Samsung Galaxy Tab.



Lalo pa daw itong pinaganda ng Google at ito daw ang "tunay" na pambato nila sa iOS ng Apple na gamit nito sa iPad.

Monday, January 31, 2011

Samsung up Apple down, Symbian down Google up

Alam ba ninyo na ayon sa kamakailang mapagkakatiwalaang report hindi pala ang Apple (may gawa ng iPad, iPod at iPhone) ang Number 1 sa mga may naibentang telepono kundi ang Nokia? Ngunit nanganganib ang Nokia dahil sa umaangat naman ang Samsung na dati ay kilala lamang sa paggawa ng TV sets.



Lumalabas na umangat ang Samsung dahil sa paggamit nito ng Android, ang operating system na gawa ng Google kung kaya't naungusan na ng Android ang Symbian na operating system naman ng Nokia.



Kung magpapatuloy ang trend na ito hindi maikakaila na bubulusok pataas ang Android lalo pa't hindi lamang ang Samsung ang gumagamit ng libreng OS na ito kundi pati na rin ang LG, Motorola Mobility at napakarami pang malalaki at maliliit at kasama na rin ang halos hindi pa gaanong kilala na mga gumagawa hindi lamang ng smart phone kundi pati mga tablet.

Kaya aasahan natin sa di-kalaunan na mukhang "kakain" ng alikabok ang Nokia mula sa Samsung et al.

Friday, January 28, 2011

2G, 3G, 4G ano ba ang mga ito?

Marami pa rin ang hanggang sa ngayon ay hindi pa rin maunawaan kung anong teknolohiya ang kanilang ginagamit. Naging pamilyar lang ako sa 3G nung maglabas ang Smart Communication ng 3G broadband service na SmartBro at sumunod naman ang Globe Tattoo. Matagal naman bago ipinakilala ng Sun Cellular ang kanilang Sun Broadband Wireless o SBW.

Kamakailan ay nagsilipana sa buong Metro Manila ang advertisement ng wi-tribe, isang bagong telecom brand operated by Liberty Telecoms under ng San Miguel Corporation at Qatar Telecom or QTel. Ang malaking alpha numeric na 4G ay nakatawag pansin sa akin. Ang unang akala ko ito ay yaong ipinapatalastas sa TV na pampakinis yata iyon na isang sikat na noontime show host ang endorser.



Out of curiosity nag-browse ako at ang website na ito ang tumambad sa aking screen. Sinundan ko ng sinundan ang mga link at doon ko nalaman na ganito na pala katindi ang teknolohiya natin ngaun. Hindi ko mawari kung WiMax ba ito 4G or LTE or vice versa. Para sa additional info pakisuyong sundan ito.

Thursday, January 27, 2011

Enero 29 One Day Sale ng Nokia X2-01

Samantalahin ang pagkakataong ito dahil magkakaroon ng One Day Sale ang Nokia sa isa sa pinakabong modelo ng kanilang samrt phone, ang Nokia X2-01 sa piling mga establisimento.
 

Maaari kayong tumawag kung aling mga stores ang maaari nyong puntahan sa iba't-ibang sulok ng bansa.

The Daily ni Rupert Murdoch ng News Corp ilalabas na

Nalaman natin kamakailan na malamang ilalabas na ni Rupert Murdoch sa unang linggo ng Pebrero ang kaniyang matagal ng pinapangarap na The Daily. Ito ang sagot ni Murdoch sa pababa ng pababa na bilang ng mambabasa ng kaniyang newspaper empire.


Hindi lingid sa marami na bumaba ang mambabasa ng mga diyaryo sa buong mundo kasabay ng pagbaba na rin ng advertisement kung kaya't napipilitan kahit na ang malalaking mga publisher na isara na lamang ang operasyon ng pahayagan. Malaki ang epekto nito kay Murdoch na itinuturing na pinuno ng pinakamalaking imperyo ng pahayagan sa buong mundo.

Ang The Daily ay isang application sa Apple iPad sa pangunguna naman ni Steve Jobs. Nangangailangan ito ng internet connection alinman sa pamamagitan ng wi-fi or 3G connection. Inaasahan na makakabawi si Murdoch sa [malaking] nawala na advertising share ng kaniyang newspaper business sa iba't-ibang bahagi ng mundo na "inagaw" ng internet [advertising] bilang makabagong medium ng advertising.

Facebook maglalabas daw ng Facebook Phone?

Ayon sa bali-balita maglalabas daw ng sariling phone ang Facebook tulad ng ginawa ng Google nung pumasok ito sa mobile phone business at naglabas ng Nexus One na gawa ng HTC ng Taiwan.
Maaaring HTC din daw ang gagawa ng "Facebook phone" na ito at siyempre pa Facebook style ito. Malaki din ang posibilidad na Android [ng Google] ang magiging OS nito. Kung ganun isang malaking hamon na naman ito sa matatagal ng technology company tulad ng Microsoft at suma-tutal ang mga mamimili na naman ang mananalo sa "labanang" ito..